The Ministry of Basic, Higher, and Technical Education warmly congratulates our 1,320 Alternative Learning System (ALS) graduates from Shariff Aguak, Mamasapano, Datu Saudi Ampatuan, and Datu Salibo in Maguindanao del Sur today, July 26.
MBHTE is very proud of our graduates for their dedication to learning. Education is the single most powerful equaliser in society: through education, one can break free from poverty and from radical ideologies. Through education, children and youth would have closer reach to their futures.
This achievement was made possible through the generous funding from the governments of The Netherlands and Norway. UNICEF, with support from Synergeia in implementing inclusive ALS, has been instrumental in reaching traditionally excluded groups across the municipalities of Shariff Aguak, Mamasapano, Datu Salibo, and Datu Saudi Ampatuan, collectively known as the ‘SPMS Box.’
Their contributions have undoubtedly made a lasting impact on the lives of these graduates, paving the way for a brighter and more inclusive future.
Excerpt from the message of Min. Mohagher Iqbal, Ministry of Basic, Higher, and Technical Education, as read by MBHTE BALS Regional Coordinator Faisal Dimalen:
Alam ko pong hindi madali ang inyong pinagdaanan, mga hamon na hinarap sa pagaaral at pagpatupad ng ALS program. Ngunit sa inyong dedikasyon at sakripisyo, napakarami nang mga kabataang Bangsamoro ang magsipagtapos at magkaroon ng pag-asa sa buhay.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, nais naming masiguro na mayroong access ang OSCYAs sa suporta at mga resources na kailangan nila upang makumpleto ang kanilang basic education at abutin ang kanilang mga pangarap.
Ang MBHTE, kasama ang schools division at local government units, ay may responsibilidad na palawakin pa ang ALS sa SPMS at sa probinsya ng Maguindanao del Sur, sa kabuuan ng BARMM. Nais naming mapabuti ang kalidad ng pampublikong serbisyo ng edukasyon para sa mga OSCYAs sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM), isa na rito ang ALS program.
Bukod dito, kailangan nating palawakin at i-update ang alternative learning services upang masakop ang pangangailangan ng mga hindi makapapasok sa mga pormal na paaralan.
Palawakin natin ang Community Learning Centers at ALS implementers sa bawat sitio, bawat barangay sa tulong na rin ating lokal na pamahalaan, saan mang sulok ng Bangsamoro region.
Ang pagkakaroon ng community engagement at awareness-raising activities ay mahalaga rin upang ipakita ang halaga ng edukasyon at dagdagan ang commitment ng mga magulang at komunidad na magpadala ng kanilang mga anak sa paaralan.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, nais naming masiguro na mayroong access ang OSCYAs sa suporta at mga resources na kailangan nila upang makumpleto ang kanilang basic education at abutin ang kanilang mga pangarap.
Sa susunod na school year, ngayong SY 2023-2024, alam kong may mga bagong hamon na haharapin. Ngunit ang ating panawagan para sa edukasyon para sa lahat ay mananatiling malakas. Patuloy tayong magsama-sama para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
Napakalaki ng ating magagawa kapag tayo’y magkakaisa. Sa bawat hakbang, sa bawat pagsisikap, tayo ay nagbibigay ng pag-asa at pagkakataon sa ating mga kabataan. Maraming salamat po sa inyong lahat!
#NoBangsamoroLearnerLeftBehind
———
DepEd Philippines:
Norway Facebook: https://www.facebook.com/NorwegianEmbassyManila/?ref=settings
Instagram: https://www.instagram.com/norwayinph/?hl=tl
Netherlands Facebook: NLinPhilippines
Twitter: @NLinPhilippines